Updates on the mandatory quarantine and case investigation from of Filipinos arriving in PH
The Philippine Embassy in Kuwait reminds the public that all overseas Filipinos will undergo a mandatory quarantine and COVID-19 testing upon their arrival in the Philippines. Overseas Filipinos are also reminded that the cost of accommodation at government-designated quarantine centers will be paid by the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) for land-based OFWs, or the local manning agency or the Maritime Industry Authority (MARINA) for sea-based OFWs.
Returning Filipinos who are not OFWs can choose from a list of government-approved quarantine centers, at their own expense. The updated list of quarantine centers which non-OFWs may choose from may be accessed from this link: http://quarantine.doh.gov.ph/facilities-inspected-as-of-june-11-2020/. Returning non-OFWs are also advised to take a PCR test in Kuwait, which may come in handy before they leave Kuwait.
In addition, all overseas Filipinos are required to accomplish a Case Investigation Form (CIF) prior to their arrival in the Philippines. Those who are traveling to the Philippines are requested to fill out the CIF by visiting http://ecif.redcross.com.ph/, and by saving a screenshot or printing the QR Code that will appear after the submission of the CIF. The said QR Code will be presented to health authorities upon arrival at the airport.
The Embassy advises Filipinos in Kuwait who wish to fly home to the Philippines to contact their preferred airline or travel agency to book their flights. Meanwhile, the Embassy informs Kuwait-based Filipinos who are currently stranded in the Philippines that Kuwait International Airport remains closed for inbound commercial flights.
________________________________
Ipinapaalala sa publiko ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na ang lahat ng mga overseas Filipino ay sasailalim sa sapilitang quarantine at COVID-19 testing pagdating nila ng Pilipinas. Ipinapaalala rin sa mga overseas Filipino na ang gastos sa pagtira sa mga quarantine center na itinalaga ng pamahalaan ay babayaran ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW na nakabase sa kalupaan, o ng lokal na manning agency o Maritime Industry Authority (MARINA) para sa mga OFW na nakabase sa karagatan.
Ang mga pauwing Pilipino na hindi OFW ay maaaring pumili mula sa listahan ng mga quarantine center na aprubado ng pamahalaan, sa kanilang sariling gastos. Ang pinakabagong listahan ng mga quarantine center na maaaring pagpilian ng mga hindi OFW ay maaaring makita mula sa link na ito: http://quarantine.doh.gov.ph/facilities-inspected-as-of-june-11-2020/. Ang mga pauwi na hindi OFW ay pinapayuhan din na kumuha ng PCR test sa Kuwait, na maaaring magamit bago ang kanilang pag-alis mula Kuwait.
Bilang dagdag, kinakailangang tapusin ng mga overseas Filipino ang kanilang mga Case Investigation Form (CIF) bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas. Ang mga bibiyahe papuntang Pilipinas ay pinapakiusapang punan ang CIF sa pamamagitan ng pagbisita sa http://ecif.redcross.com.ph/, at ng pag-save o pag-print ng QR Code na lalabas pagkatapos punan ang CIF. Ang nasabing QR Code ay iprepresenta sa mga awtoridad pagkarating ng paliparan sa Pilipinas.
Inaabisuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa Kuwait na gustong lumipad pauwi ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa kanilang napiling airline o travel agency upang mag-book ng kanilang lipad. Samantala, ipinapaalam ng Embahada sa mga Pilipinong nakabase sa Kuwait na stranded ngayon sa Pilipinas na nanatiling sarado ang Kuwait International Airport sa mga paparating na komersyal na lipad.
Visit the Philippine Embassy in Kuwait’s Coronavirus Disease 2019 webpage for the latest updates and advisories on the COVID-19 situation in Kuwait: https://kuwaitpe.dfa.gov.ph/covid19
Source : Embassy of The Phillippines, State of Kuwait.
Online Appointment System For Passport Applications and Renewals for Filipinos
NEW WEBSITE FOR ONLINE APPOINTMENTS AT THE EMBASSY OF PHILIPPINES